Physical Address
304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124
Physical Address
304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124

Ang dahilan: Summer Solstice. Tuwing Hunyo (karaniwan sa paligid ng June 21), ang axis ng Earth ay nakatagilid papalapit sa araw.
Napansin mo ba? Ang tagaaaal ng araw tuwing June!
Maaga pa lang, sumisilip na si haring araw!
At pag-gabi na… ayaw pa ring lumubog!
Bakit nga ba mahaba ang araw tuwing Hunyo?
Simple lang, dahil sa tinatawag na SOLSTICE.
Ang solstice ay panahon kung kailan ang araw ay pinaka-matagal sa langit, pinakamahabang araw sa buong taon!
May solstice ba sa Pilipinas? Oo naman! Kahit tropical tayo, nararamdaman pa rin natin ito.
Di lang natin mas ramdam ang pagbabago ng seasons, pero mahaba pa rin ang daylight tuwing June, dahil sa tilt ng Earth.
Sabi nga ng iba… ‘Wala namang solstice sa Pinas, kasi wala tayong four seasons!’
Actually, meron! Kahit wala tayong snow o autumn, apektado pa rin tayo ng tilt ng Earth, kaya may mahaba at maikling araw din dito.
Habang umiikot ang Earth sa araw, medyo nakatagilid ang ating planeta.
Tinatayang 23.5 degrees ang tilt nito.
Kaya may panahon na mas nakaharap tayo sa araw.
Kapag Hunyo, tayo sa Northern Hemisphere ay mas direktang natatamaan ng sinag ng araw.
Pansinin mo, maiksi ang anino.
Mas mahaba ang biyahe ng araw sa sky.
Kaya rin perfect timing ang summer vacation!
Baliktad naman ‘pag winter (sa Pilipinas, tag-lamig), maiksi ang araw.
Kapag December, tayo naman ang nakatalikod.
Kaya maaga ang gabi tuwing Pasko!
Kung may solstice… may EQUINOX din!
Ang equinox ay panahon kung kailan parehas ang haba ng araw at gabi, halos 12 oras bawat isa.
At oo, ramdam din natin ang equinox sa Pilipinas! Sa mga panahong ito, mapapansin mo, hindi sobrang haba o sobrang ikli ng araw.
Magkasinghaba ang umaga at gabi, kaya perfect balance ang feels tuwing equinox.
TRIVIA! Alam mo ba?
Tuwing equinox, halos swak ang araw sa mga “class hours” ng mga estudyante sa Pinas!
Sakto ang sikat ng araw mula pagpasok hanggang uwian, kaya pansin mo, hindi ka naglalakad sa dilim pag-uwi.
Pero sa summer solstice, mas mataas ang arko ng araw.
Sa ibang bansa, may festivals pa tuwing solstice!
Tulad ng Stonehenge sa England.
At sa malalayong lugar, may tinatawag na Midnight Sun!
May araw buong magdamag, ang saya no’n!
Good News: Consistent ang tilt ng Earth.
Paulit-ulit lang ang cycle taon-taon.
Kaya tayo may seasons: summer, fall, winter, spring!
Kaya sulitin na ang mahabang araw!
At perfect ‘to para sa golden hour shots!
More time din para mag-bonding!
Pero syempre, lahat may hangganan…